hay naku. super nababanas ako sa mga connections namin dito sa bahay ha! ang laki ng problema nila. anong araw na ngayon, 12. ibig sabihin, meron pa akong pitong araw para matapos ang apat na coursework ko. ngayon, hindi ko siya magawa. ang peste kasi ng internet ko eh. biruin mo, tatlong server na gamit ko, ayaw pa rin mag connect. evolve, isp bonanza at pldt vibe. ang peste literal. ewan ko ang laki ng problema nila. magcoconnect din naman sila, pero after 10 minutes mamamatay tapos super bagal pa. so useless din. tapos hindi na rin siya ulit magrereconnect. asa pa ako. yan yung tipong mga, alas kwatro ng hapon ah. pagsapit ng alas ocho ng gabi, ayun, asa pa ako. hindi talaga magcoconnect. kahit umiyak pa ako ng dugo. wala. eh tamang kagabi, ginagawa ko yung powerpoint presentation namin ni cathy para sa recruitment namin bukas sa mga freshies. natapos ako ng mga 2 am. hala, todo ang internet. hindi siya gaano mabagal. hindi din siya na didisconnect. tipong heaven na yun. kaso hindi naman pwedeng ganun ako lagi, yung tipong ganun oras ko gagawin yng coursework ko. hindi ko ata kaya yun noh. baka tulugan ko lang. at hindi din naman pwedeng sa internet cafe ako lagi, imagine na lang kung gaano kalaki din ibabayad ko dun. hindi naman ako pwede ding ma overnight dun, kasi nagsasarado din yun.
kalokohan naman kasi itong PLDT. March pa kami nag apply for reconnection ng DSL namin. anong petsa na, june 12. asan na sila? wala pa din. eh a week before kami bumalik ng pinas, tumawag daw dito, ready na daw ikabit. so, pag uwi ko, tinawagan ko sila. anak ng tinapa, hindi pa daw na aapprove yung application namin. HELLO! ano bang klase sila. 3 months na kayang nakalipas. pasalamat pa nga sila wala ako ng buong May eh. walang nangungulit sa kanila. pa commercial commercial pa sila na mabilis nilang ikakabit, kalokohan sila. ang bilis ng 3 months and counting nila.
ito pa, yung tipong hindi ako maka connect pag gabi, nakakanood na lang ako ng TV. matagal na rin ako hindi nanonood ng mga teleserye paggabi, even before kami pumuntang states. pero nitong nakaraang linggo, nakakanood na ako. yun nga lang, may palpak pa din. hindi ko alam kung bakit ganto, pero ang ABS-CBN namin, ay merong background music. para siyang radio station. ganto, si Piolo nagdadrama sa Sa Piling Mo. may background music. isang nakakasayaw na kanta. bagay? hindi! mas malakas pa sa salita ni Piolo yung kanta. sinong hindi maiirita dun diba? so, naisip ko, baka kasi yung TV namin yun, kinda sira na din kasi. nalaman laman ko kay mommy, pati pala dun sa mas bagong TV eh ganun din. so, sa Destiny Cable naman ang problema niya diba? ang peste talaga. wala na ako magawang matino dito.
at hindi naman ako galit na galit noh? slight lang. grrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrr. nakakainis lang kasi ang services ng PLDT at Destiny eh. lalo na yang PLDT na yan. sarap isumbong kay kumander nene. haha.
araw pa naman ng kalayaan ngayon. if tama ang aking pagkakaalam, eh 108th year na ito ng kalayaan ng Pilipinas. wala lang. sana, malaya din akong nakakapag internet at nakakanood ng matinong TV sa ABS-CBN. hahaha.