Never akong nag-kainterest sa Law. Ayoko ng mahirap na magkakabisado, ayoko ng board exams. Ayoko pahirapan sarili ko. Hindi ako makarelate sa laman ng pelikulang ito kasi wala naman akong background sa law (except sa konting business law, na isa sa mga subject ko ng college). Wala ding malapit sakin na nagla-law para maintindihan ko ito.
Pero nakarelate ako sa pelikulang ito. Kasi una sa lahat, naging estudyante din ako tulad nila, hindi man ako isang law student, pero ako ay isang entrepreneurship student. Hindi man ako nag memorize ng laws ng ating bansa, pero gumawa naman ako ng business plan. Hindi man ako nag board exams, pero butas din ng karayom ang dinaanan ko para makapasa at makapagtapos.
Dumating din sa punto na nahihirapan na ako, na gusto ko na mag give up. Na-ayaw ko na. Survival of the fittest, ika nga nila. Pero sarili ko lang ang kalaban ko, kaya fight si ako!
Pangalawa, kaibigan. Sila ang mga taong nakasama ko sa hirap at sa ginhawa. Pero habang nilalaban ko ang buhay kolehiyo, yung pinakamatatalik kong kaibigan, ay nag tuloy ng pag aaral abroad. Naging mag isa ako sa araw araw sa school. Pero hindi yun naging hadlang, hindi porket mag isa ako, wala na akong kaibigan. I have all my best friends – from high school, si Erik ng pelikulang ito, silang mga nag-abroad, at ilan pa – who were cheering on me, hanggang sa ako ay nakapagtapos. Hindi ko man sila araw araw kasama noon, alam kong andyan sila para sa akin. Sila ang aking naging sandalan sa mga panahong hindi ko na kaya.
At huli, kung si Erik merong tatay at nanay na inaalayan ng kanyang pag-aaral at na nagsusumikap para sya makapagtapos, meron din akong Mama na kumayod sa pagtatrabaho para sa aking pag-aaral. Tulad ni Erik, dahil sa kanya kaya hindi ako nag-give up.
Isang pelikula ng pagmamahal sa pamilya, pag susumikap, pagsasakripisyo, pagtitiwala sa sarili at higit sa lahat, sa pagkakaibigan, Bar boys! Panoorin niyo ito sa Pista ng Pelikulang Pilipino 2017, mula sa August 16-22, 2017 sa lahat ng sinehan sa buong bansa. Kasama dito sina Carlo Aquino, Enzo Pineda, Rocco Nacino, Kean Cipriano at marami pang iba. Directed by Kip Oebanda.
Mga litrato namin noon Bar Boys Premiere Night – wala ka man kanina, andito kaming pamilya mo kuya! We love you and we’re proud of you! Bottom pics, with Team Carloholix!