Yung masakit: Pag yung taong mahal mo ay hindi na yung taong minahal mo. BOOM!
Despite the fact that I wasn’t able to watch around 15 minutes of the play, MEMA pa rin ako.
Simple lang. Ang feels, ang lala. Ang hugot, ang lalim.
Lahat ng emosyon damang dama ko eh, saya at lungkot, tawa at luha, pighati at mura, sakit at selos, lahat na. Lahat lahat na. Mixed emotions. Eh papano pa yung kaakibat nitong lahat ay ang pag-awit nila ng mga Sugarfree songs, which is the main reason naman talaga ng play na ito.
Vic, played Topper, the lead, the two-timer hahahaha! First time I saw Vic like that. *speechless* But He did great, super galing, emotions x awit. Malala. Literally, parang alternate ni Ebe.
Cara(Lexi) and Maronne (Gabbi).. their roles were perfect for them, parang they were made for them. They actually complemented Vic’s Topper.
Need not go into details of the story anymore…
anyway.
Kung ikaw ay nagmahal, nagmamahal, magmamahal, nasaktan, nasasaktan, masasaktan, nagkamali, hugotera/o or fan lang talaga ng Sugarfree – pasok kayo dito. Kaso, last day na bukas, at sold out na ito. Pagdasal na lang nating merong 3rd run, para masimulan ko din naman. Diba?
PS. Yung akala ko namalik-rinig lang ako nun pinasok sa lyrics ng Wala si James Reid at Nadine Lustre (Oh, My JaDine Heart) at higit sa lahat, naisingit pa nila yung 2-piece Chicken Joy with Pineapple upgrade ng Jollibee sa eksena. Kaloks!
PSS. Sa Wakas – Vic & Cara (Topper and Lexi) gave a whole new meaning to Huwag Ka ng Umiyak (My Coco’s favorite song). Move over Cardo!
PSSS. Gusto ko ding makita ang Makati Skyline from the top of the building pag nag light up ito ng 6:30 PM.
Kung puso ko ay imamapa, ikaw ang dulo, gitna at simula. (Bawat Daan)
PERO
Nagsisising gigising sa katotohanan ‘di ka naman talaga akin
Magsimula tayo Sa Wakas.