Bro, Ikaw ang Star ng Pasko

It’s been ages since I watched an ABS-CBN special live. Bilang lahat ng showbiz friends ko wala na sa ABS or wala na sa showbiz mismo. Natitira na ngang si Roxanne at Alwyn, wala naman sila dun. Buti na lang anjan ang ROBIliever friends ko – Thanks so much sa ticket Robi Domingo and of course kay Celso who shared the blessings to me din.

I watched with my bestfriend, Aimee and we had so much fun. Si Santino palang tilian na ang mga tao eh. Shempre when Piolo and Sam went on stage din mas lalo na diba? Eh paano yung nun lumabas na si Enchong at Jake? Kinaya pa ba? Shempre hindi! Dagdagan mo pa ng dalawang mga kulilits na sina Bugoy and Izzy plus Cha-cha. Pero sa totoo lang, pinakamalakas na tili sa lahat, since Santino went on stage was when Coco Martin came in. Sino ba namang hindi titili diba? Eh sa kabonggahan niya, kinabog niya sina Piolo eh. Swear! Pero akala niyo, siya na pinakamalakas ang tili? Hindi pa rin, si Baby James ang pinakamalakas talaga!
So, yeah I didn’t dwell much on what happened coz you’ll be able to watch it naman sa Sunday’s Best eh. Masasabi ko lang, daming edits haha!
But I love this experience. More! Sayang lang di pwede yung SLR ko. Eh hindi ko pa naman dala yung digicam ko boohoo. Sayang.
After the show, pauwi na kami, nakita pa namin yung van ni Santino. Ayan, picture niya! He’s always smiling! Such a cutie!
Lovers in Paris ended also. It’s my first Koreanovela addiction that’s why I watched the Filipinized version whenever I can. It wasn’t what I expected, but nevertheless, I still watched it. I love their ending dialogue.

Vivian: Ang love parang pelikula, minsan comedy, minsan drama kung minamalas malas ka, nagiging aktion o kaya suspense, minsan pa nga e horror pero sa dinami rami ng pwedeng mangyari, ang hindi dapat mawala ay ang romance…

Carlo: Romance na parang gusto mong abutin ang langit, na sa bawat paghakbang mo, tumatalon ang puso ko, ang bawat tinig mo, musikang papakinggan ko at sa bawat ngiti mo, nabubuhay ako… Dahil alam mong higit ka pa sa pangarap ko… higit ka pa sa puso ko…
Vivian: Hindi mabibilang ang patak ng ulan at tulad nun hindi rin mabilang ang maraming beses, paulit ulit na beses na pipintig ang puso ko para sayo… masarap mainlove sa mga pelikula pero alam mo mas masarap mainlove sa totoong buhay…
Carlo: Dahil sa totoong buhay hindi nagtatapos ang pagmamahal…
Vivian: Kahit pa lumabas na ang credits at nagpaalam na ang mga bida sa totoong buhay, walang mga happy endings
Carlo: Dahil sa totoong buhay, lagi at laging pwedeng magsimula muli

Ang pag-ibig ay palaging dumadaloy sa panibagong anyo, sa mas mabugsong pakiramdam, sa mas dakilang dahilan katulad ng mga kwentong sa iba’t ibang paraan nararamdaman.

Fin
Advertisement

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s