What’s Happening?

Walang kamuwang muwang ako sa nangyayari sa labas ng school kahapon. Habang ako ay nag-orals sa BusSpeaking about poverty, habang ako ay naggagawa ng SW sa accounting at bumablush pa ang muka.. meron na palang coup d’etat.

Kakatapos nga lang ng malakas na lindol eh. Nakakatakot naman. Birthday ni Seskie, naka-marka sa history ng pilipinas na me nag coup. Kaya ang aga kong umuwi, other than sa gusto ko mamahinga. haha, nakakatakot kaya.

CURFEW!!!! Whaaaaaaaaaaaaat! Actually, wala din akong kaalam alam, kasi namomoblema ako sa multiply ko. Nagmessage lang sa akin ang mga tao. Sobrang nagulat ako. Kasi nga shet. curfew. anu un… no more gimiks. mo more night outs. no more ewan. eh pano na lang yung mga taong……. gimikero at gimikera…. hahaha. yun naisip eh ano. hindi wala lang, it’ll be just weird for this time na magkaron ng ganun. Pano na lang kami magGerry’s grill till morning kung me curfew na diba. Eh shempre, naintriga na ko what happened, edi hanap ak sa article, pucha. Kagabi lang pala til kaninang madaling araw eh. Akala ko naman for the mean time, na mejo matagal tagal. Grabe ang OA nun ibang nag react. ewan. haha. natatawa lang ako. Una react din ako eh. Kaso when i read na at inintindi ang news. Okay sige.

Pero what if ano? Ang scary scary. Pano kung matagalan. Grabe. Pano kung martial law. shet. nakakatakot talaga. naalala ko tuloy ang dekada ’70 story. haaaaaaaay.

Nakakatawa lang. Habang sa outside world, pinoproblema nila ang nangyayari sa makati. Ako naman, ang pinoproblema ko, yung multiply ko. AKALA KO na DELETE yung account ko! Pano kasi, pag open ko sa favorites page, hindi ako naka-log in so log-in ako. Pucha, parang nagrefresh lang yung login page. tapos akala ko mali password ko so i tried another one, sabi, mali. So tama yung unang ginamit ko password. I tried opening my page kahit hindi naka-log in, ABA. ERROR daw!!! SHET. Naiiyak na ko nun. Sabi ng sister ko, nag maintenance daw, so baka nga kaya ayaw. Eh i tried opening gretz’ account, umopen naman. Naiiyak nanaman ako. hahahahahaa.  Ewan. Basta hinayaan ko muna siya. Nun gabing gabi, bumalik din naman. Akala ko talaga mawawala na siya. Hindi ko ata kakayanin yun. PROMISE. kasi nandito sa multiply ko lahat. MY LIFE. Pagmawala itong account ko, sobrang big part of my life ang mawawala. super love ko my multiply. :-S

Aba, kanina naman, inaya ko si mommy manood ng Pasukob. Mashado mataas ata expectations ko sa movie na yun. Benta yung ibang hirit eh. Pero over all, bagsak siya sa ratings ko. Gasgas na yung si ai-ai na namatayan ng mga asawa ano. that’s so tanging ina.

Taz tangaaaaaa! si Akon, bumig bro! hahaha! wala lang.

Enscan kung Enscan ako. Hindi pa rin ako natatapos. Grabe nga eh, 2 days ko na siyang dinidelay. Tinatamad akong gawin siya. I’m not motivated to do it. Ewan ko ba kung bakit. Mas gusto ko pa ngang mag-aral ng accounting at stat (yes.. favorite ko na ang math ngayon) kaysa gawin itong paper ko eh. Hay. Ewan.

Basta, excited na ako bukas. Pupunta kasi kami sa cavite! weeeh! I’m going to see my eggy again!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

Powered by WordPress.com.

Up ↑

%d bloggers like this: