crossroads (inspired by seska)

i was at my crossroad. so i was scared. i was scared to move, to take even just one step, even to breath. kaya ayon, hindi ako gumalaw.” —– sabi yan ng isa sa pinaka-matalik kong kaibigan mula pa nun nasa high school ako, si seska, sa kanyang blog.

Ganyan pala ang feeling ng malapit na gumraduate ano? Yung hindi mo alam kung san ka pupunta pagkatapos nito. Paglabas mo ng lugar nakinasanayan mo ng ilang taon, at marerealize mo na, bukas pala hindi na ako babalik dito. Kung babalik man ako, hindi tulad ng dati. Lahat ba ganun? Nawawala? Naloloss?

Ako kaya, pagdating ng araw na YUN, ganyan din kaya mararamdaman ko? Nakakatawa nga eh. Hindi ako sa sarili kong graduation natatakot.. Sa iba. Sa pag-alis nila. Sa paggraduate nila. Kasi hindi ko na sila makikita. :-S haha. Hindi ko na sila ganun makikita. Nasanay akong kasama ko sila, tapos, aalis na rin sila.

Ganun na lang ba yun lagi, yung mga taong napaMAHAL na sayo, kailangan ka laging iniiwan? Ang hirap maging ALONE alam niyo ba yun? Kayo naranasan niyo na ba yun? Ako feel na feel ko na yung pagiging alone. Gusto niyo ba ng tips on how to survive your being alone? ask me. expert na ko jan. =P

Anyway, yang nadadama ni seska, pa-minsan nadadama ko din yan. Kaso ako naman, mag-isa sa crossroads ng buhay. Sa utak ko, dapat may mga kasama ako. Pero bakit ako nag-iisa. Sa side ni seska, hindi niya alam na pwedeng me kasama siya sa pagstep sa crossroads niya. Kasi she’s trying na kayanin mag-isa. eh minsan, di mo naman makakaya na mag-isa ka lang talaga eh. Alam ko possible na mag-isa ka lang. pero ika nga diba? No Man is An Island.

Pero you know, there are times na pag-iniwan ka NILA, dapat kakayanin mo yun. Kasi totoo naman eh, hindi habang buhay nanjan sila. Me sarisarili tayong mundo. Me sarisarili tayong pagkatao. pag sila’t sila din, parang popoy and basha, hindi na naggrow. kailangan mag move forward. oo, EO ito. EO. Kailangan tanggapin. Kailangan mag move on. Pero hindi naman sinabing mag move on ka at kalimutan sila, sabi lang mag move on ka, at paminsan minsang tingnan ang nakaraan, ang nakaraan na puno ng saya, maiyak ka man, dahil sa mga ala-ala. Masasayang nakaraang hinding hindi mo makakalimutan.

Kung mang-iiwan kayo, sabihin niyo naman sakin please. Wag yung bigla na lang kayo mawawala. Hindi ko kaya ang ganun eh. iiyak talaga ako. Sabihan niyo ako. Okay lang naman eh. At least ganun, I’m prepared.

Again, sa cross roads ng buhay, pwedeng mag-isa ka lang na tahakin ito, pwede naman kasama mo ang mga mahal mo. Kung ano man ang piliin mo, mag-isa o me kasama, lagi niyo lang tatandaan, ako, kung ano decision niyo, tanggap ko, basta nandito lang ako, sa likod mo, para kung di mo na alam ang gagawin mo, ako ng sasalo.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

Powered by WordPress.com.

Up ↑

%d bloggers like this: