Masayang Pasko sa lahat! Masaya din manood ng sine ngayong pasko!

Rating: ★★★★★
Category: Movies
Genre: Other

Inaanyayahan ko kayong lahat na suportahan ang mga pelikulang ng aking mga kapatid at kaibigan ngayong darating na kapaskuhan:

1. Ang Tanging Ina Nyong Lahat — kung saan bahagi ang mga kapatid kong si Carlo Aquino bilang Tri at Alwyn Uytingco bilang Pip. Ang sequel ng Ang Tanging Ina na pinalabas mahigit 5 taon ng nakalipas.

2. Baler — parte din si Carlo dito bilang Gabriel Reyes na kapatid ni Feliza (Anne Curtis) na gusto maging pari.

3. Shake, Rattle & Roll X — kung saan ang kabarkada kong si Roxanne Guinoo ay bumibida sa episode 1: Emergency bilang Sarah at kapareha ni JC De Vera. Kahit yung first episode lang panoorin niyo! Hahaha! Parte din ang kaibigan namin si Janus Del Prado ng episode na ito. Chaka ang isa ko pang kaibigang si Andrea Torres ay bahagi naman ng episode 2: Class Picture na pinagbibidahan ni Kim & Gerald. Sige na nga, hanggang episode 2.

Isama natin ang buong pamilya at mga kaibigan at sabay sabay tayo manood ngayong pasko!
Suportahan natin ang Pelikulang Pilipino!!!

Bago matapos ang aking mensahe, gusto ko sana kayong lahat batiin ng isang masayang pasko! Nawa’y mapuno ito ng pag-ibig galing sa mga taong ating minamahal.

Dahil mahal ko ang mga kapatid at kaibigan ko, kaya ko ito pinopromote sa inyong lahat! haha! Tenk u ng maraming marami! Regalo niyo na sa akin! hehehehehe!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

Powered by WordPress.com.

Up ↑

%d bloggers like this: