Nagising ako sa aking pagkakatulog
Bagungot ng nakaraan sa akin ay kumalabog
Takot, lugmok at pighati ang bumalot
sa damdaming ngayon ay nanlalambot
Di nakatulog, libro’y inabot
Binasa ang nakaraang kabanata
Paulit ulit binalikan ang mga pahina
Ngumiti, tumawa, umibig at umiyak sa kwento
Binasa ng binasa hanggang magwakas ito
Sabay nagbuntunghininga na lang.
Inaabangan ang susunod na kabanata,
Sana mas maganda na ang susunod na istorya
Yung tipong “happy ending” na talaga
Yung hindi na makasasakit pa
Minarkahan ang simula ng bagong yugto
Sinarado ang libro, huminga ng malaim.
Ipinikit ang mga mata.
Kinumutan ang sarili ng mga luha
Humiga sa unan ng pag-asa
Natulog na ng mahimbiing
Ayan na sana ang pinakamimithing panaginip
Dahil ito na ang bagong yugto, nagsisimula na. 🙂
PS. Habang ako ay nag-papalipas ng oras kanina, para sa aking appointment sa shop ni Gio. Na-inspire ako na magsulat. Di ko alam kung ano ang nabuo ko. Pero yan yung lumabas eh. Hehe. Natuwa lang ako. Ang lalim eh, di ko ma-dig. Kayo na dig niyo?
Pic taken by my papa, when I was 4 years old, when we were in Tokyo. Second to the last moment I was with him. I was sleeping soundly, maybe dreaming of good memories. XP
Leave a Reply