… na lang ang pag solve sa problema sa ating mga puso.
Kanina kasi sa business math, nagsosolve ako ng IRR gamit ang Excel. Tapos, kachat ko din si Pam sa mga oras na yun. Me sinasabi siya sa akin about matters of the heart.
Eh kaadikan ko sabi ko, i-solve niya sa excel. Binigyan ko ng values. Binigyan ko ng equation. Sabi niya sa akin, ano sagot? Sabi ko, 8%.
Sana, ganyan na lang ang mga problema – hindi lang sa pag-ibig, kundi sa lahat.
Buksan lang ang program, i-type ang problema, POOF, me sagot na.
Kaso hindi eh. Ang dami dami talagang pagdadaan ng poblema, ng pag-ibig. Hindi pwedeng me sagot na agad. Ganun eh. That’s life. Gamit lang tayo ng tamang strategy at magkaron lang tayo ng faith, maayos din yun. Masasagot na din yung mga katanungan mo.
Kaya sa lahat na lang ng ganto din nararamdaman, Good luck sa atin!
——————–
Bukas na ipapasa yung financial plan ko. Hanggang ngayon wala pa din laman yung Excel sheet ko kundi ang template ko. ='(
Leave a Reply