dinalaw ako ni seska today. napakasaya ko. super namimiss ko na kasi ang PF eh. kailan ba kasi kami ulit magkikita kita. papasok na ulit ako sa skul, tapos na ang term break ng mga taong tri-sem- me, kix & loraine, ni hindi man lang kami nagkita kita. pano pag kayo naman ang sembreak at kami namann ag madaming gawain. hala naman!
pero seska, thanks. alam mo naman, i feel sad this days. i need you guys, i mean – yung PF. thanks talaga.. mere presence mo pa lang, parang nanjan na buong PF. ehehe. sobrang natutuliro na ang aking isipan sa kakaisip sa mg bagay na hindi ko na dapat isipin. okay lang, malapit na deadline diba? comfort person!!!
natuwa din ako today, kasi ang dami kong kinain, isa na dun yung pag splurge ko ng aking 50 pesos sa kwekkwek at chicken balls. super tagal ko na nag crave nito, nun araw na nag simula ang super inggo pa. ngayon lang ako ng nakakita ng dumaan dito sa amin, ang tagal ko din hindi nakita si kuya kwekkwek. haha. yun kasi tawag ko sa kanya dating dati eh. sinamahan ko pa ng paborito kong tropicana. at dahil natulog ako ng hapon, hindi ako nakapag dinner ng matino, kaya tuloy ang kinain ko eh pancit canton na may egg at dinurog na v-cut. favorite ko rin yan. ibang klase ang taste ko ano. pag wala makai, basta may ganyan masaya na ako. pwera pa yung bacon na kinain ko nung brunch ko at yung chiffon na galing sa goldilocks. super favorite ko pala yung mga kinain ko today. comfort food!!!
halos nasa room ko lang nga ako magdamag eh. ang sarap lang bumalot sa kumot at yakapin yung mga unan ko at matulog ng walang maisip at maramdaman. oops. wala nga, nag dream nanaman ako. 9th time. padami na ng padami. ano pinapahiwatig nun? tss.. at least, nasa comfort place ko naman ako.
Natapos ko na rin basahin yung Mates, Dates & Inflatable Bras kaninang hapon. Quote for the day is: “the people who get on in the world are the people who get up and look for the circumstances they want. and if they can’t find them, make them” Pampalakas ng loob dear! Pero wag naman yung totally na pagpilitan ha. kaya mo ya-ha-han.
“Light will shine on your destiny. It did in mine. Yon mga “never thought it could happen” na mga bagay na ganito, there are the things we need to keep holding on. And i’ll be right here to bug you to keep dreaming and wishing and hoping and praying” This one is from Ces. Nagdadrama kasi ako kanina sa kanya eh. OKAY. Kasi nga Miracles happen, when you believe. All things will come with a little time, When You believe. SIGE NA PA KANTA NA AKO. oh samahan pa natin nito…. So I won’t give up No I won’t break down Sooner than it seems life turns around And I will be strong Even if it all goes wrong When I’m standing in the dark I’ll still believe Someone’s watching over me. OH ano napakanta na rin ba kayo? hahahaha…
