ANOTHER DAY NAMAN?

Inaalala ko ang masasayang sandali na tayo ay magkakasama
Isang pagkakaibigang umabot ng ganito na kahaba
Isang pagkakaibigang nagsimula sa internet kung tutuusin
Dahil sa Berks kami ay hindi mo na mapaghihiwalayin

Hindi ito naging madali para sa amin
sa isa’t isa milya milya ang layo namin
sa amin ay karagatan ang pumapagitan
internet lang talaga ang aming pinanghahawakan

Hindi biro ang aming samahan
tiwala sa isa’t isa ang kinakailangan
problema man ang kinakaharapan
kahit sa YM lang, kami’y nagdadamayan

Inaasamasam namin ay iisa
Mula ng kami ay magkakilala
ONE DAY lang masaya na kami
Makapiling ang bawa’t isa kahit sandali

Kapag may pagkakataaon hindi pinapalagpas
nagkita kita kami kahit na paspas
kahit dalawa o tatlo lang kami okay na rin
kwentuhan to the max, masaya pa rin

Kaya ito na nagkaron na ng pagkakataon
magsama sama kami kumpleto maghapon
tinawid ang malalawak na karagatan
at nilipad namin ang kalangitan

ONE DAY, ONE DAY ito na kami
parang panaginip, kurutin mo ako sa pisngi
umikot ikot kami sa Daly City
kumain kami sa Jollibee

Umakyat sa Queen’s Peak at dun sa Bowling Alley
nagkodakan hanggang maubos ang battery
Nagtampisaw sa Ocean Beach na kay lamig
at natulog kina Karen, sa kanilang sahig.

Isang araw na hindi namin makakalimutan
lalo pa ito nagpatibay sa aming samahan
Kahit Internet lang ang aming sandalan
but guys, how about ANOTHER DAY NAMAN?

To my KKG sisters: Hope you’ll love the poem I made. Actually hindi dapat yan ang gagawin ko, I made something different, but then, I changed it to this. And it came out better. hehehe.

I remember dun sa post ko na Pieces of Me, JEN commented na, bakit ako wala? and she said, joke lang yun. Pero alam niyo ba, kasama kasi talaga kayo dun, kaso ang dami kong gusto pang sabihin, and a slide or two, hindi kakasha dun. Kaya meron kayong solo, and tinapat ko ito sa araw na ito.

Do you remember this day? This day, last year, was our ONE DAY. One of the most memorable days in my summer, in my life. And up until now, i can still remember that faithful day nun sinundo niyo ako sa bahay ng lola ko. Imaginine niyo yun, sa States pa tayo nagkita kita.. It’s so surreal diba? Pero It’s TRUE. It’s REAL. And it’s a memory that makes me happy everytime i remember it.

I’m so glad that i met you guys, my life would be totally different if i didn’t meet you 4 years ago. Kahit online lang tayo friends nun, kakaiba eh. Hindi lang tayo online buddies ngayon eh, daig pa natin ang magkakaibigang magkakasama araw araw.

Jen, Karla, Maian, Karen  – My feelings for our friendship couldn’t really be expressed through words. HIRAP men. haha. Pero I know, alam niyo na rin naman ang gusto kong sabihin, we’ll forever be friends guys, makita ko man ang SMILEY niyo na nakangiti or kahit tulog pa sila. Or kahit kabuting KABUTE pa rin si karen. asan na ba siya? Kahit lagi pa rin kami nagdaDALDALan ni jen na parang hindi nag usap ng isang buwan kung mag usap well in fact, magkausap kami the day before. Kahit hindi na maging BOYMAGNET si karla at maging stick to one forever na siya. At hindi na magbabago ang pagiging ATE ni maian. hahahaha or hindi na Chumika si Kat sa atin. KKG PA Rin.

So guys, i repeat, how about ANOTHER DAY naman?!

Leave a comment