Tapos na ako sa exl3 video ko. Kanina pa mga 6pm? Ang saya. kasi wala naka pahinga eh diba. Pero kailangan namang mag-aral para sa finals namin bukas dun. Sakit sa ulo. Iniintay namin yung mga exempted sa finals eh. Ang tagal dumating nun email ni sir. I’m not hoping to be part of that. haha. pero gusto ko lang malaman kung sino-sino yung mga magagaling na yun. hehehe.
Gusto ko iumpog yung ulo ko kanina sa pader nun nakita ko yung laptop ko. Two weeks pa lang siya, pero kung ano ano na ang nangyari sa kanya. Grabehan lang ah. Wala pang isang week yun, todohan na sa virus yun. Nareformat agad yung laptop ko eh. Ngayon naman, after ko gawin yung video ko, na ang gamit ko eh laptop ng kapatid ko, at niligpit ko yung things ko, nakita ko ang laptop ko na puro gas gas. as in super naiyak ako, napamura at iuumpog na sana ang ulo sa pader. di ko ma-tak eh. hindi lang kasi isang gas gas eh. As in madami. Puro tuldok tuldok ba. biruin niyo. kabago bago. mukang 5 taon na siya dahil sa gasgasnun. ingat na ingat pa man din ako dun. ayaw ko kasi namagaya yun sa digicam ko na puro gasgas eh. tapos wala din, nakakapagtaka pa, nasa loob lang naman yun nun bag niya na paded naman. tapos wala naman nakakatusok na this dun. as in ininspection pa namin ni mommy kanina yung laman nun bag. hindi namin maisip kung ano pwede maka harm nan ganun sa laptop ko. naiiyak ako. ang pangat na niya. ano bang pwedeng pangtakip nun? bad trip!!!! Naisip ni mommy, kasi kahapon, naglalaptop ako nun nasa car kami, eh sa harap ako nakaupo at nakatapat yung cover sa aircon. naisip niya yung aircon ang dahilan nun. pero how come? eh kasi sabi ni mommy nakatutok daw kasi yung laptop ko sa aircon eh. baka yung buga daw ng hangin. pero parang hindi naman. pwede ba yun mangyari? chaka tingin ni mommy, baka daw stain lang yun kasi hindi nga naman siya yung tipong pagtinamaan na me baon/deep cut. hindi ko maexplain. para siyang puti puti. para bang na splashan ng kung ano. Hay. sana mawala pa siya. super sayang naman yung laptop ko. bad trip talaga. sana stain lang siya. kaso di ko alam kung pano ko siya lilinisin. x( kawawa naman yung baby ko. hay.
