Dahil si Jill at Alwyn ang Maalaala Mo Kaya kanina, shempre pinanood ko ito dahil sa kanilang dalawa. EH super love ko yun dalawang yan eh, lalo na si Jill. Baby ko yun eh. hehehe.

Hay. Ang pretty pretty ng BbyJill ko jan. haha. Anyway… Infairness sa acting nila, ang galing at talagang nagmature na. Hindi ako bias, nagsasabi lang ng totoo. hehe. Tapos, nakikita pa rin ang spark at chemistry sa kanilang dalawa even though ngayon lang ulit sila pinagsama. I really like the story for them. kaya lang, super bitin!!!!!
Okay. Napulot ko yung line na “may emotions ba ang text?” mula dun sa ladylord ng dorm ni Jill/Cheryl dun. True nga naman… Kasi for me, mas gusto ko talagang sa personal na lang mag-usap, kung wala talagang chance, sa fone na lang, mapapagchagaan pa. Wag lang sa text. Kasi hindi mo nga alam kung totoo nga yung sinasabi dun oh hindi eh diba?
Sa totoo lang, nakaranas na ako ng break up sa text. Hindi ito maganda para sa akin, kasi walang respeto diba? Grabe naman, makikipagbreak na lang, sa text pa. Kumusta naman yun. Chaka, higit sa lahat, duwag siya. Hindi niya ako kayang harapin. Niloko na nga ako at lahat sa text pa ko hiniwalayan. Ang kapal pa makipaghiwalay ano? Ako dapat yun eh. Pero tanga ako eh. Stupida.
Pero past na yan. Shempre, natuto na ako jan. Hindi ko na yun gagawin ano, or hindi na ako magpapakatanga. hahaha. Actually, mula nga nun EO, hindi na ako mashado magamit ng celphone eh. I learned again living my life without it. Na hindi na ako gaano ka attach sa material things. nax.
