tapos na ang pasakit na cUrseworks, kanina na ang pasahan. Pero akala ko lang dun na yun nagtatapos dahil may mga pasakit pang gagawin para sa Exl classes ko. Kumusta naman yun diba? Dapat din tapos na rin ang classes ko, medyo, kung naka foreign deg ako, pero hindi, yung subject ko ngayon ay local deg, haha. Ayos ba? So meron pa ako class. Pero okay lang, matatapos na yun by the end of the month. Ayos na rin, tapos UCLES ko pa is after holy week, so magbabakasyon na muna ako. hahahaha. Di pa tapos sa school ano!
Kanina nagmedical city din ako, kasi nagpa check up si baby sky eh. Tumaba na siya, nakakatuwa. Hindi na manipis yung balat sa ears niya. tapos hindi na nakikita ang ribs niya. Ang chubby na rin kahit papano ng pisngi niya. Namimiss ko nanaman siya. Langya, may girl pa kanina sa lobby ng medcity na familiar sa akin eh nakatingin sa akin. Akala niya siguro baby ko si Sky. Kasi karga karga ko nun time na yun. Feeling ko magkakilala kami pero di ko siya maalala. Nakatingin lang talaga siya sa akin, hanggang sa iabot ko sa ate ko yung baby at nag babye sa kanila. Ang kulit lang eh ano. Di ko baby yun ano!
Naglinis din ako ng cabinet ko kanina kasi tambak tambak na talaga yung mga damit ko dun. Hindi ko na rin mahanap yung iba kong damit. hehehe. Di ko na kaya yung tambak eh!
di na muna siguro para walang magulo. ako lang ang makakaintindi nito.
