manok, pusa at daga

Yesterday, super tuliro ako. Umagang umaga pa lang. Dahil sa kakagawa ng course work at sa pag-iisip about JP‘s surprise party — na ces located at New Castle UK, organized via the internet and her celphone. Haha and yeah, with the help of me.


Powerstation kami ni Cat, Gene at Mike. Punta kami ChocKiss to get JP’s cake in UP. Thanks ulit kay Robby. Then, went back to school to watch ESA A vs Ateneo (?) Futsal game.


Since wala si ces dito sa manila, malamang ako ang gumalaw. Kaya kung gaano kinakabahan si ces at kung gaano kaexcited si ces, ganun na rin ang aking nafifeel. Sabi ko nga, ganito pala ang feeling ng isang girl friend na nagsusurprise sa kanyang boyfriend. Ang galing kasi naranasan ko siya kahit wala akong boyfriend. Nakakatawa ano. Ako kaya, kailan ko ito gagawin? Si Gretz nagawa na ito kay Rap at si Rap nagawa na ito kay Gretz. Si Jp ginawa na ito kay Ces kaya ngayon, ito ginawa naman niya ito para kay Jp. Nakakatuwang isipin na, sa future gagawin ko rin siguro ang ganito — kanino kaya? Sino kaya ang masuwerteng yun. hahahaha. hmmmmmmmmmmmmm….


Kanina nama’y nag-attend kami ng Study Workshop na magkakaroon kami ng plus 40 points sa exl3 sa quiz. hehehe. About ito sa Time Management, Procrastination, To Do Lists at Scheduling. Kung ako ang tatanungin, meron naman ako kahit papanong time management. Yun nga lang, madalas lang talaga ako nakaupo dito sa trono ko at nag-iinternet. Hindi naman ako mashado nagpoprocrastinate, dahil ayaw ko ang nagka cram. Pero tulad ngayon, dapat ginagawa ko ang aking cUrsework sa Journ, pero nagbablog ako dito. Pero okay lang yun kasi namahinga lang naman ako sandali. Hindi ako naggagawa ng To Do List, pero meron akong scheduling. hehehe. Nasa planner ko siya 🙂 Na hindi ko na dinadala. hehehehe. hay naku. Good luck na lang sa cUrsework ko. sana matapos ko na ang pesteng script na ito.


Kanina nung nasa court kami bago magsimula ang nakakatuwang game ng volleyball at basketball, eh nagkikwentuhan kami nina shalom, nikki, mira, resa, andre at paul. Meron daw kasing kasabihang, “Ang manok, madaling mahuli pagnakatali“. Sabi ko, “ay parang ayaw ko atang nakatali yung manok, kasi ibig sabihin, hindi ko na siya mahuhuli” Kasi, hindi ako yung tipong naninira ng kinasisiyahan. Eh diba, kung masaya naman yung manok sa pagkakatali niya eh bakit ko naman siya huhulihin. Eh tamang ang manok naman ay hindi nakatali at hindi ko pa rin ito mahuli or hindi pa rin siya nagpapahuli. At dahil pinag uusapan namin ang kasabihang yan, sabi nila eh, “edi itali mo sa iba” sabi ko na lang eh, “Ayoko nga siyang itali sa iba, at baka hindi ko pa ito mabawi” Pasok si cat sa usapan nun kinuwento ko sa kanya itong pinag-uusapan namin. sabi niya. “Pano kung takot sa manok?” Dahil, literal na takot talaga siya sa totoong manok. Sabi ko, “Eh kung gusto mo talaga ang manok, you should conquer your fears!” Nakanam Manok yan!!! Topic namin.


Eh paano naman itong si daga at pusa nakapasok sa usapan. hahaha. Wala lang, napag-usapan din kasi ang kasabihang, “kapag wala ang pusa, naglalaro ang daga” Kasi yung pusa ay wala dito, hala nakita si daga naggagala. hahahaha. Pero hindi naman masamang gala eh. Nag-eenjoy lang diba? Minsan lang naman lumabas with other friend/s eh.


Ang manok, pusa at daga. bow.

Leave a comment