déjà vu

Himbing sa aking pagtulog
Dala ng aking pagkapagod
Paglipad ng aking isipan
Ikaw tuloy ay napaginipan


Isang Fairytale Party ang itinayo
Sa tinagurian nating Palasyo
Isa sanang gabi ng kasiyahan
Ngunit nauwi sa karahasan


Isang malaking itim na dragom
Ang bumihag sa akin
Kay sakit ng ako’y gapusin
Blue kong gown, sira-sira din


Umakyat kami sa taas
Para sana ang dragon ay makatakas
Mainit na apoy ang inilalabas
Sa kanyang ilong na malaki ang butas


Bigla kang dumating, sabay sugod
Sabay hugot sa espada
Sabay sigaw, “Aking prinsesa!”
“Ika’y aking ililigtas na!”


Habang siya ay tumatakbo
Papaakyat sa kinaroroonan ko
Naputol ang Panaginip ko
Dahil nagring nag telepono ko


Pambihira nga naman!
Ang ganda na sana ng eksena
Siguro ako’y ginigising na
Teka, parang nangyari na itong pagtatanggol ah!


ayan ang nilalaman ng panaginip ko kanina. oo, nakakainis dahil nagising ako dahil may tumawag sa akin, sa parteng ililigtas na ako ng prinsipe ko. Bad trip diba? Hindi man lang napakitang “and they lived happily ever after” Paniraaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaa. hahahaha.


well anyway, nakakatuwa, kasi nag badminton kami kanina. wala naman akong balak eh. sina gretz lang, pero nakilaro ako. kahit hindi ako marunong. uhmm.. marunong ako yung laro laro lang hehe, buti nandun si louie to guide me. we watched the Curse of the Golden Flower… buti mas marami kami ngayon – Cat, Me, Gretz, Rap, Sir Gi, Andre, Louie, Andrew and Mikey.


So much for my déjà vu dream ko. na hindi naman talaga déjà vu. Gusto ko lang siyang tawaging ganun. Pero alam niyo ba, it actually happened? Yung pinagtanggol ako ng isang taong nagngangalang prince charming sa isang dragon-like creature. hahahaha. Ayus diba!


hmmm.. so it’s Champ Lui-Pio’s birthday. wala lang. Super favorite ko lang kasi ang HALE eh. hahaha. natutuwa ako. Meron pa kaming super Hale news. hahahaha. (feb 8, 2007)

Leave a comment