Salamat Superman. Papasok ka ba PC ko?

Sa tuwing ikaw ay nakikita,
Minamasdan ko ang ningning ng iyong mga mata
Ang mga ngiting nasa iyong mukha
Ang mga tawang sadyang napakasaya


Kung minsan, naiisip ko
ako kaya’y magiging dahilan ng mga ito?
Kasi naman sabi, ang manhid mo!
Totoo nga ba ito?


Minsan mo ng naipadama
mga pag-aarugang ni minsan
di ko natanggap sa iba
Salamat, salamat ha?


Makita ko may kasama kang iba
Nag-iiba ang aking pakiramdam
kahit pa alam kong walang dapat pagselosan
kaso di napipigil ang nararamdaman
sana ako na lang.. sana..


Di ko alam kung naghahanap ka ba
Pero isang beses sinabi mong “yung may chic na lang sana”
Sabi ko naman, “may chic ka naman dun diba?”
Sabi mo, “Asa pa siya”
Sabay tawa.
Eh ang tanong ko, “tayo me pag-asa ba?”


Ang sarap mamahinga. Long days work tapos na. Panood nood na lang ang drama. Ngayon ay tumutula pa. Oh diba kakaiba? Bukas simula nanaman ng bagong linggo. Kung san sasabak sa bagong trabaho. Kailan ba ang katapusan nito, malamang sa dulo ng term ano!


Isang taon na mula ng makita ko si SUPERMAN
Sa kanyang ngiti ako’y tinamaan
Mula noon, inaabangan ko siya
Masulyapan muli ngiti niya
Wala ng ibang ninais pa
kung hindi ang makita ka


Pero pagkakataon nga naman
Pinakilala ka sakin ng isang kaibigan
Nalaman ko ang iyong pangalan
sa isang handaang hindi ko makakalimutan


Nakakasama ka namin paminsan minsan
Nakilala ka at ang iyong kabaitan
Binibigyan mong buhay
ang araw na matamlay
Ngiti mo lang, ako’y naha-high


Nakakatawa pa rito
Nakatalikod na ako
Nararamdaman ko pa rin ang presensya mo
Kahit di kita nakikita
Ngumingiti na ako
Pag ganun na daw ako
Siguradong andyan ka lang sa paligid ko


Ngayon, nag-grow out na ang feelings ko
Yung “crush” feelings kung tawagin niyo
Pero salamat sa iyo
Pinasaya mo rin ako
Dahil minsan ka ring naging bahagi ng araw-araw ko
salamat sa pagbubukas ng RADAR SMILE ko
salamat sa pagiging HAPPINESS ko


Twice in the span of an hour. Ayos ito. Wala lang. Naalala ko lang din kasi na ang araw na ito ay special sa’kin nung nakaraang taon eh. hehehehe. Ang asteeg pa dun, nakausap ko pa siya kanina. wahahahaha. Nagkamustahan lang. cute diba.


Ang kulit ng title ko eh ano. Nag TY lang ako sa Superman ko. Dahil bahagi siya ng buhay ko. Shempre, tinatanong ko rin kay Prince Charming kung papasok ba siya talaga sa buhay ko. hehehehe. ampppppf.

Leave a comment