teenpreneur at mga kakaibang banat.

I was so tired last night that i wasn’t able to blog about everything that happened yesterday at school during the Teenpreneur Challenge stage 1. Imagine 8:50 tulog na ako. Kakaiba! Gaux ikaw ba yan? hehehe. Kasi naman super pagod ako ano, pano ba naman ako hindi makakatulog agad, pero shempre nag dinner pa muna ako. Ang aking first meal of the day. Walang kainan yesterday eh.Walang time para kumain. Me time naman na nagugutom na rin ako pero dahil sa nalipasan na din ako ng gutom nawala na rin sa isip ko ang kumain. Nanginginig na nga yung mga buto buto ko. Super nakakapagod grabe.


Bago pa nga ako natulog last night, nagtext brigade ako sa mga OC for a job well done. nax. wala nakakatuwa kasi eh. Natapos kasi namin yung job ng matino. At mukhan successful naman ang first day. Meron pa siyang mga kasunod. Kaya hindi pa rin tapos ang busy-ness namin. hehehe.


What’s teenpreneur? Actually, nilagay ko na yun sa album ng pictures ng teenpreneur. Pero basta ito ay isang inter-highschool competition na magbibigay ng mindset sa youth na magkaron ng hilig sa entrepreneurship taz bibigyan din sila ng training dito with sucessful na entrepreneurs. Tapos.. basta marami pa silang gagawin. hehe. Stage 1 pa lang yung kahapon eh. hehehehe. Good luck na lang sa mga makakapasok sa 2nd stage. Yung schools na included: my very own St. Paul Pasig, Assumption San Lorenzo, St. Paul QC, San Beda, ICA, Intl Christian Academy, Immaculate Heart of Mary, St. Bridget, Reedley, Kostka, Miriam, Lourdes QC, LSM, PhiSci, Makati Hope, Tabernacle of Faith & OB Montessori.


Basta astig ang OrCom. hehehe. Salamat sa mga tumulong at sumamang mag-saya with US the core. Mabuhay tayo. hehehe. at Me next week pa. hahahaha.Don’t worry guys, after this, it’ll really pay off!!!


Grabe pa pala, tulog ko aga diba? eh mejo nagising ako sa kalagitnaan ng tulog ko. pagtingin ko ng oras, 11 pa lang ng gabi. Grabe naman. Akala ko nga madaling araw na hindi pa pala. tapos ba naman, edi nakatulog na ko ulit. me tumawag sakin na hindi ko kilala. naknampucha. ala una ng madaling araw na yun. langya yung taong yun. ginising ako. wrong number pala. Alam niyo yun, sarap na sarap at himbing na himbing ka na sa pamamahinga mo after a days work na super kakapagod, biglang me epal na mangugulo sa pagtulog mo. leche!!!!


may panalong banat pala ako. kakahirit ko lang kay cathy nito eh. Kasi ganto yan, may kinikwento ako sa kanya na umaya sakin sa valentine’s, si mommy and daddy ko the second, meaning halos pangalawang magulang ko na na super tagal ko na ring hindi nakikita na super miss na miss ko na talaga. tapos sabi ni cat sakin, “pano na si TOOT?” sabi ko “siya? pag siya, araw araw valentine’s” nyahahahaha. kumusta naman ang banat ko diba?


Napansin niyo bang ang lamig lamig ngayon. As in ngayon. Grabe lumabas kasi ako kanina para silipin ang car namin, mga 2 hours ago. Langya, napatakbo ako papasok sa bahay kasi ang ginaw ginaw. GRABE. di ko kinakaya. Tapos, tulad ngayon, nakaupo ako dito, yung hangin, napaka lakas. Giniginaw talaga ako. Ganun ba kasama si hangin, pinapadama sakin na malamig ang aking Valentine’s? hahahahhaha.

Leave a comment