ONLINE.

ako’y madalas nakasalampak sa aking computeran
naglilibang sa cyber kalawakan
nag-aabang abang sa iyong pagdating
Di naman alam kung ikaw ay papansinin


dahil makita ko lang ang dilaw mong mukha
ako ay talagang natutulala
nag dadalawang isip pa ako kung ikaw ay kakausapin
kaso ako ay nahihiya na ikaw ay istorbohin


sa aking pagiging tulala
ang dami kong naaalala
mga pagkakataon na kasama ka
lalo na’t pagtawag mo sa akin ng halika


alam ko ang tanging kailangang gawin ay pindutin
pero pilit ko pa ring pigilin
bugso ng aking damdamin
dahil hindi ko alam kung tama ang gagawin


ngayong biglang magiging kulay-abo na
ang mukha mong dilaw noong una
ako’y biglang nalungkot na
dahil wala ka na
ngayon ay nagsisisi na
sana kinausap na lang pala kita


hala.. ang bago kong tula ay ito na. Nagiging makata na ata ako ah. kakaiba talaga. amp. ganyan talaga. hala na. ano na ito. hahahaha. kanina nga eh, wala prof namin. nakakainis. instead na nasa bahay na lang ako. kung alam ko lang na wala ah. o kaya sana nandun na lang siya, kasi enjoy ako sa class niya eh. nakakainis. hahahaha. fine.

Leave a comment