Sarcastic mode: WOW! Nakakatuwa kanina. Biruin niyo nag-aral ako for our long quiz kanina. Sa mga friends ko na classmate ko rin sa subject na yun, 5 lang kami ang may alam na meron kaming quiz. ewan ko narinig ko naman talaga kasi last thursday mula sa prof namin eh. Kaya sinasabi ko sa iba na meron kaming quiz. tapos wala. graaar. kung kailan naman nag-aaral na. inspired. kuno.
Excited mode: Nalaman ko kanina, mula sa isa sa mga prof sa school na nakwentuhan namin kanina nina cathy at mike na siya pala ang nag conceptualize ng AGENT X44. wala lang super natuwa lang kami nina cathy. kasi ang galing ngconcept nun eh. tawang tawa pa kami sa trailer. eh vhong navarro ba naman yun eh with Direk Joyce Bernal pa as the director. Ano pang say mo about that. todo na yun! Eh nandun pa si Pokwang. Alam niyo bang siya nag favorite kong comidyante. as in. hahahaha. Excited na kami manood nito!!! weeeh!!!
Pissed mode: May mga tao talagang sadyang demanding. akala mo kung sino siya sa buhay mo eh ano. Tipong akala niya ata girlfriend niya ako. eh HINDI naman. MALAKING HINDI. oo, dumating yung time sa buhay namin na super close kami. pero wala naman yung tipong kami. dahil alam naman naming dalawa na hindi kami talo. BAD TRIP. Lumalayo ako alam ko kasi natatakot ako sayo. hindi ko maintindihan kung bakit ganun. kakaiba. but i’m still decent enough to text you kanina kasi may puso din naman ako ano.
Sad mode: wala lang. nalulungkot na talaga ako. at naging MAKATA si MARIA CLARA ngayon…..
oh kailan ko kaya ulit masisilayan ang iyong mukha.
oh kailan ko ba ulit maririnig ang iyong malalambing na salita.
oh kailan ko ba muli mararamdaman ang iyong pag-aalala.
At maririnig na sabihing ako’y nasa mabuting kamay pala.
Pagtatanggol mo’y hindi ko makalimutan.
Mula noon ay ika’y palaging pinananabikan.
Hindi mo alam kung gaano ako kasaya.
Kapag ikaw ay kapiling na.
Damdamin minsan ay hindi na mapigilan.
Kahit hindi ko alam kung san ito hahatnan.
Tila ako’y nahumaling sa kakaiba mong pagpaparamdam noon.
Pero bakt hindi ka na ganun ngayon. Ano nga ba ang totoo?
May pag-asa pa ba ito?
Parehas nga ba ang ating nadarama?
Pag-ibig na nga kaya’y ito na?
Mais Tuhod mode: Actually, si Kix ang nag forward nito sa akin eh. Ako na ang magbabayad ng tuition mo… matutunan mo lang ako mahalin. ampoooooootaaaaaa sa BANAT!!! hahahahahahaha…
