the Tiende Bazaar and what happened after :)

so, what’s up with my the past few days. i haven’t been sleeping more than 5 hours. i have this eyebags i want to lose. i have lose weight. i’m not that mabilog anymore. Home before the sun rises. Puyat. Pagod. Bangag. Paos.


But everything’s worth it. It was successful. infairness naman ano.


Biruin niyo, diba ang last post ko eh, around 5:30 am of november 24, friday. nakauwi ako, 5 am na. naligo lang ako, went online for a while then by 6 am, i’m back na sa Tiendesitas. Coz kix and aimee have to go there early coz they have class. so, natulog ako sa dun sa booth nila. wahahahaha. nanaginip pa ako na ginigising ako ng guard na nagbantay the whole night kasi baka daw ako ay manakawan. weird. hahaha. tapos nagsleep ulit ako tapos nagising ako sa boses ni sir pax. taz natulog ulit ako taz nagising ako, ang ingay na ng place. ang dami dami ng nagdatingan na concessionaires. so i have to attend to them kasi i was the first OC who’s already there. so ayun, ang sarap kaya ng feeling nung matapos na yung first night program, alam mo yun, ang galing galing ng mga nag perform, yung SIGA boys from Gawad Kalinga, JB and Image (tama ba?). hands down. parang sobrang proud na proud ka. kasi natapos ng maganda yung gabi. eh nung planning stage pa naman, super namomoblema ako sa kung anong mangyayari within the day, pagdating pala ng araw na yun, hindi ko pala dapat pinoproblema yun.


kaya from that time, naging confident na ako, that everything would go well till matapos itong bazaar. saturday, wasn’t supposed to come early to Tiende, dapat after lunch pa ko, coz i need to enroll for next term. but barry woke me up and wala daw tao sa tiende. so nagmadali ako to go there. hay naku. shempre may time pa nito na super na bad trip ako kasi hindi naman kasi ako dapat ang mamoblema ako yung namomoblema, but everything went well din, for the bazaar eh. kahit bad trip na ko, sige lang. seska visited us pa. kaya super tuwang tuwa ako. hehehehe. kala ko man iinjan yan eh. hehehehehe. We had Go Negosyo taping pa. hehehehe. oh guys, watch it when it comes out ha? hahahaha. kahit bangag ako, sige lang. hahahahaha.


the last day, sunday, was parang ewan, dun ko na naramdaman lahat ng pagod ko. dun an yung time na sumama na yung pakiramdam ko. buti na lang by the end of the bazaar na ko nagkaganun diba. kung hindi, hindi niyo ako mapapakinabangan. hehehehe. by the end of the day, nung nag eegress na yung iba, ang daming nagsasabi na hanggang ngayon na lang ba daw talaga yung bazaar, kung kailan yung susunod. napasaya yung place. wala lang, super nakaka taba ng puso. pumapalakpak yung aming tenga. hahaha, diba mommy gretz?


Yung pinaka-masaya ako nito is yung nakasama ko yung mga super love ko na girls ng sabay, my grrls and PF, kahit si kix and aimee lang, for 4 days. minsan lang yun in my life to happen. super saya grabe. hehehe. biruin niyo, sa mga pix naka-halo halo kami, yung grrls ko and pf. wala lang super saya ko lang. ang babaw ko ano. pero that simple thing really made me happy.


ano pa ba, dahil sa bazaar na ito, i made new friends. dami ko nakilala sa school na hindi ko dati kilala. i opened doors of my heart to new friends, not only yung mga aiesecers sa school and MC classmates ko at barkada ko ang friends ko ngayon, but also yung mga nakatrabaho ko dito. TIENDE Team the best. hehehehe. hindi na nga ako sanay na hindi ko nakakasama yung mga yan eh. hehehehe.


Certified Social Entrepreneur. nax. may pa ganyan ganyan pa ko ngayon. kahit hindi ako entrep. hehehe. super i love helping the poor in my own little way. i love doing GK work, the PBoX. tapos itong bazaar na ito. wow. wala lang. ang sarap talaga tumulong. yeah boy.


na-challenge ako dito. si barry ni challenge ako as program head. hindi ko kasi forte ito eh. wala ako hilig sa ganyan. wala akong alam sa ganyan. pero binigay niya yan sa akin. so, i tried my best, sa abot ng aking makakaya. chaka i know naman my partner, my bestilicious will always be at my side eh. so, i hope i didn’t fail him. 🙂


i was never been fulfilled in my life after this event. oops, teka, ito ang second time pala na na fulfilled ako, the first time was yung PBoX eh. 🙂 anyway, ayun nga. ang sarap ng feeling na naging successful nga ito. Kahit na ilan lang talaga kami sa team, with only less than a month to prepare. stress kung stress. pagod kung pagod. wala yang mga yan ano.


Saludo ako sa Tiende Team. (drama na ito) bilangin niyo kami sa kamay ng inyong daliri, ganun lang kami, pero nagawa namin ang kailangan naming gawin. wala namang nasabi sina sir joel sa trabaho namin eh. yun lang naman ang gusto namin. chaka yung hindi kami malugi at may maibigay talaga sa Gawad Kalinga, kasi yun naman talaga ang purpose nito eh. =)


now that it’s done, nasabi na namin na, this is our first time to organize a bazaar. I bet, we could do anything na after this.


My yesterday was soooo relaxing. alam niyo yun, tapos na ang pagod. though hindi pa rin mashado nakabawi sa tulog. there’s this smile in my face that only my friends would know why. =) We watched BORAT pa. laugh trip pero hindi ko pa rin na take yung mga nandun. information overload talaga. kakaiba. low cost film that would earn a lot. tsssss….. anyway, may nagpalungkot samin ng bestilicious ko, every time we watch kasi in eastwood, we would never fail not to buy at Tizers. kay cat ay cheese sticks, sakin ay fries with matching red iced tea. eh diba ang tagal namin hindi nag movie. sabi namin, ate na miss niyo ba kami?! sabi ba naman ni ate sa tizers, baka kami ang ma miss niyo. sabi namin why? sabi niya, they’re closing na daw. huhuhuhuh. super na sad kami. kaya kahit hindi ako gutom, bumili pa rin ako ng fries ko kasi yun na yung last time na kakain kami dalawa dun. ahuhuhuhuhuhu. wala lng, so sad lang.


back to student mode na kami today. aral aral na. hehehe. preparing for UCLES. already enrolled for term 1-07 with 5 subjects. 2 independent studies. ilang tulog na lang, tapos na ang aking classes. sembreak ko na. yay. mamimiss ko nanaman ang school ko. hehehe. pero ayan, kailangan ko na mag aral para sa UCLES, as early as now, kasi ang dami ko pang aatupaging mga bagay bagay. hehehe.


loving it baby. =)

Leave a comment