everything isn’t always forever

Yesterday pa ako nakaka-feel ng sadness from hearing people falling out of love and breaking up. It’s so hard for me lalo na pag-super close ako sa mga taong yun. Para rin ako yung hiniwalayan, para rin ako yung nakipaghiwalay. Masakit sa puso. literal.


Malungkot isipin na magkalayo na sila. Kapag iniisip ko na parang kahapon lang sila ay magkasama, masaya at natatawanan. Kasama ko lang sila eh, tapos biglang malalaman ko ganto na.


Para sa akin perpekto ang relationship nila. oo, minsan may konting alitan, pero natural lang yun eh. Wala ng hihilingin pa sa relationship na ito. Yun na yung tipong dream relationship ng bawat girl na kilala ko. Pero minsan pala, hindi lahat ng perfect relationship eh maganda. Sabi nga, “I don’t believe in perfect relationships that’s why i don’t believe in US” Ang lupit diba?


Wala namang kailangan sisihin. Wala namang nagkamali eh. Meron lang confused. Hindi nila alam kung tama ba ang rason kung bakit nila mahal ang partner nila. Kaya confused kung dapat bang magstay sa relationship na yun, kasi parang mali na nga. Siguro nga dapat na nga mag isip isip na nga muna. Mas masakit kung ipagpapatuloy pa ito ng ganun naman pala ang situation.


Maybe dapat muna talaga magkalayo. Magnilay nilay about sa mga pangyayari. Kasi nga, wala naman talagang problema diba? Minsan din kasi, pag wala na ang isang tao, chaka mo marerealize kung ano ang worth nung taong yun. So, siguro ganun ang dapat mangyari sa kanila.


PARA SA INYO: kahit ano pa ang nangyari, nandito pa rin ako para sa inyong dalawa, kayo man o hindi. Mahal ko kayo parehas. Kung ano ang mas makakabuti sa inyo yun ang inyong gawin. Susuportahan ko lang kayo. But i wish and pray na maayos pa rin ang relationship niyo coz i believe that YOU and YOU are really meant for each other. Sana mangyari rin yung If you both fall out of love, you’ll do your best to make you fall in love again. And then i pray that you’ll be together till death do you part. ='( TRUTH: nalungkot ako shempre at umiyak.


Ang hirap talaga ng salitang forever ano?


———————————————————————————————————————-


Hay salamay na rin at okay na. =) Kakatawa ako kanina, kakamadali ko papuntang school, kahit na hindi naman ako late, an hour early pa nga, naiwan ko ang gamit ko. hahaha. literal na pumasok ako sa school na ang dala ko lang ay ang celphone at pera ko. hehehehe. kakaiba naman!!!!

Leave a comment