My term break started the night of August 10, so approximately, i already had 22 days of no school. But technically, i have just been “free”, meaning no work, since the day Tam went back to Korea which was the 23rd of the month. Since then, i have been a bum at home. Yesterday nga lang ako ulit umalis ng bahay diba? Ano ba ginagawa ko dito? nagpapaka-bum lang talaga?
Hindi naman mashado, for the past 3 days, nag DVD marathon ako, since pinilit ako ni Gene na manood ng A Love To Kill, pinanood ko siya. Kanina, natapos ko na siya. Okay naman pala siya, hindi katulad ng impression ko dun. Madali ako naging interesado. Sobrang depressing lang talaga siya. Masakit sa puso. Tutulo din ang luha ko kung kinakailangan, lalo pa’t tumutulo din ang luha ni Enxi or ni Fujiu — Kathleen at Rainier. Ako pa naman, mabilis tumulo ang gripo ng luha ko. Pero maganda. maganda. depressing and sad lang talaga ang ending.
Proud pa ako sa sarili ko kasi nakatapos ako ng two books. 4 nights ko binasa yun. Chinese Cinderella and Chinese Cinderella & the Secret Dragon Society by Adeline Yen Mah. Yung first book niya, parang biography niya, childhood till the age of fourteen. Super depressing din nito grabe, kasi kawawa naman yung bata, wala naman siyang kasalanan na pag panganak ng mom niya sa kanya eh namatay yung mom niya diba? ayun naging unwanted child siya ngayon, kinakawawa ng brothers niya pati ng stepmother niya. Yung second book naman, since mahilig siya magsulat, ginawa niya ito, fiction na siya pero kind of close to what happened with her life, mejo ni alter niya lang ng konti. Nakakatuwa, natutunan ko na despite of what happened sa childhood life ni Adeline nag pursige talaga siya na maging successful siya.
From the second book, nakuha ko itong line na ito: “the hardest thing in life is to find a true friend“. Based on experience, actually totoo talaga toh. Mahirap malaman kung sino talaga ang tunay mo na friend. hindi mo alam kung sino traydor or ahas sa’yo. Hindi mo alam kung sino ang totoo. Kung sino pa yung tinuring mong hindi lang friend sa buhay mo, siya pa yung tipong magtatraydor sayo. ang saklap diba? naranasan ko na yan. Yung tipong lahat ng mga sama ng loob mo lahat ng tungkol sayo eh sinabi mo sa isang tao, sobra talaga ang tiwala mo sa kanya. Ayun pala, siya pala yung sisira sa pagkakaibigan niyo, sa tiwalang binigay mo sa kanya. hay.
Kasi marami din types of friends. Una, si Anna-conda, siya yung kaibigang sinasabihan mo ng lahat ng secreto mo. si tipong bestfriend. si tipong sister, kapamilya na. si tipong nanjan lagi pagkailangan mo ng maiiyakan. pero ang hindi mo alam, yung iniiyak mo pa lang yun, aahasin nya sayo. siya pala’y merong tinatagong sikreto sayo. siya pala yung hindi Honest sayo. kung gaano ka ka honest sa kanya, ganun siya kasinungaling sayo. Pangalawa, si tupper-Rica, tupperware. plastic. hindi tototo. shempre, hindi mo alam na ganun pala siya sa yo. “friend” talaga ang turing niya sa yo. gimik-gimik. etc. pero siya pala yung titirahin ka patalikod sa iba niyong friends. di pala totoo ang treatment niya sa iyo. Iba pala ang pinapakita nya sayo pag nakatalikod ka. Pangatlo, si user-friendly-Ella, friends with benefits ba. yung tuwing kailangan ka lang niya chaka ka niya kaibigan, pero pag siya naman kailangan mo hindi ka niya matulungan. Magkakalimutan kayo, kahit siya, hindi mo nakakalimutan. tapos out of the blue, biglang susulpot, “pa-pasa naman ng kahit 5 lang oh” pagkatapos ka niya hindi kausapin, pagkatapos niyang hindi magparandam sayo, pagkatapos ka niya pagsalitaan ng kung anong masama, susulpot siya ng ganyan. kasi alam niya, “mabaet” ka. tutulungan mo siya. AT Pang-apat, Tinay-tunay, siya naman yung tipong iniwan-iwanan mo na, nanjan pa rin para sa iyo. siya pa yung dadamay sa yo in times of depressionand of course the happy times. Yung tipong hindi ka niya iiwan, makikinig siya sa problema mo, hindi ka man ma advisan ng matino, the mere fact na nakinig siya sa dalamhati mo, sa iyak mo, isa siya talagang kaibigan. hindi siya namimili ng katayuan sa buhay. nasa prinsipyo niya ang “ang kay pedro ay kay pedro and kay juan ay kay juan” hindi ka niya gagamitin.
Ang mga nabanggit ko jan sa taas, ay based from experience. OO, nagkaron ako ng mga kaibigang ganyan. natutuwa ako, dahil habang maaga pa, nakilala ko na kung sino ang tunay at totoo at yung nagmamahal talaga sa akin bilang ako. kaibigang karamay ko sa lahat, sa lungkot at saya, sa iyakan at tawanan, sa gutom at kabusugan, sa pag-aaral at gimikan. Kasi kung siguro, tumagal tagal pa yan, hanggang ngayon ay hindi ko pa rin natutuklasan ang mga “friend” na ganyan sa akin, siguro ngayon, baliw. crazy.michoso na ako. Hindi ko na kakayanin, kasi buong buhay ko, sa kanila ako kumukuha ng strength eh (if ever hindi ko agad nalaman ah?) pero buti na lang, mabait ang Diyos, mahal niya talaga ako.
Kaya sa mga mahal kong kaibigan, Aimee, Seska, Loraine, Kix, Deo and Mitch; Cathy, Ces, Gretz, Rap, EJ, JP, Gene, Mike and Kelvin. I’m thankful that you came into my life. My life won’t be complete with out you. Kayong lahat, puzzle piece kayo nabumubuo sa akin. isa sa inyo mawala, hindi ko kakayanin. YAK. mushy na. Pero totoo yan. mahal na mahal ko kayo. Hindi ko na kaya na wala kayo, kaya wag niyo ako iiwan ah? diba walang iwanan. forever na tayo magmamahalan. wahahaha. I also wanted to thank my ohana – Coni, Hal, Niko, Andre, Andrew, Jareed, Louie, Shalom, Val, Renz, Kuya John and Ate Angelica; Tam, who i really really miss the most and also my friend, Ellai, whose always here to listen to my raves and rants since elementary & choir days; Jill, Vanessa & Carla – whom despite of popularity, remained the same, the little sisters i came to know when i first met them; Hazel, Julie, Sofia, Denise & Karla -kahit di tayo nagkikita, i know we’ll always be there for each other and lastly, KKG – Jen, Karla, Maian and Karen -these girls proved to me that distance isn’t a barrier for a friendship that will last forever. They are some of my friends whom i really treasure and who’ll always be in my heart. Sorry if i missed YOU – but i know, if you are my friend, you’ll always be my friend. 🙂
